WHOA

at ansabe ng friend nitong c baliwbaliwan na nagpagawa ng gif?
anti-palnking daw talaga siya, habang balita ko eh mga ikalimang planking photo na niya to.haha

feeling celeb na nagpapacandid.

shirt made by baliwbaliwan.
t-shirt ko.design niya.drawing niya.siya na :))
kahit di maganda ang pagkakulot ng buhok ko at hindi ko naipit ang tiyan ko.pwede na to, yung iba nga walang damit :p
So mula sa post na ito ay gumawa ko ng version ko sa aking experience kay bagyong falcon.
Sa pagbisita ni bagyong Falcon sa ating bansa ay nagdulot siya ng maraming bagay sa atin, sa akin.. munitng pinsala at munitng aral. Sabi nga nina abakadamachine na sa ngalan ng sining ay nakipagsapalaran kami kay Falcon. Nagkaroon kami ng pag kakataon na makaalis sa eskwela ng mas maaga kaysa normal. Paglabas ng eskwelahan ay puno ang kalsada ng mga estudynate na hindi makasakay pauwi. Habang kami ay Masaya pang nagtatampisaw sa tubig na dala ni Falcon sa ngalan ng sining. First time ko ata sa buong alaala ko na lumusong sa baha na halos dalawang dangkal mula sa lupa. Wala akong choice kung hindi ang makisama.Buti na lang at may dala akong tsinelas noon at hindi napinsala ang sapatos kong pamasok. Sa bawat hakbang ko sa tubig, andiyan yung pakiramdam ng mga hindi inaasahang bagay na mapadaan sa mga paa ko. Andiyan ang mga plastic na ipinambalot sa mga paborito nating pagkain na aakalain mog isang hayop na nangangat sa tuwig siya ay dadampi sa aking mga paa.Siguro ay nakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa kalikasan kaya niya ito ipinadama sa akin.
Hindi pa man nakalalayo ay sinubukan ko ng pigilan ang aking mga kasama, ngunit dahil na din siguro sa pagnanais ko na makarating sa aming pupuntahan at dahil ayoko naman magsilbing KJ eh hindi ko na piniit ang pagpupumigil. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakbay, basa yun na lang ang naalala kong pakiramdam noon. Pero hanga pa din ako dahil ika nga nila na sa ngalan ng sining eh hindi kami sumuko. Hindi pinabayaan ang isa’t isa. Ako man ang laging nahuhuli ay hindi nila ako pinabayaan na maiwan ng kanilang tanaw. Umuwi man kami ng basa ay hindi rin kami nagsisihan sa aming mga pinadaanan. Inaamin ko lang na ako ay nagsisi, ngunit hindi ko ibinuntong iyon sa kahi kaninu sa aking mga kasama, naramadaman ko lang n asana lang ay ipinaglaban ko ang pagpigil sa kanila noong maaga pa, bilang isang nakaaangat ng edad sa buwan man o taon. Upang hindi na nagging ganoon ang kinahinatnan, pero mabuti ang Diyos matiwasay nama kaming nakauwi. Sa huli naisip ko na lang din na isa iyong aral na mas mabuti pa na naransan ko na upang hindi na ito maulit pa. Nagpapasalamat na lang din ako dahil ang mga nakasama ko ay hindi marunong manisi at hindi ipinahawa ang kanilang naramdaman na pagkabigo kahit ito’y bakas na sa kanilang mga mukha. Nagawa nila itog ibaon sa limot at inalala na lang ang mga magagandang pangyayari.Nakakatuwa, mga tulad nila ang palagi kong hihilingin na makasama J

SALAMAT !! eto lima oh.haha jk :)))